Jeepney hulog sa tulay: 2 patay, 18 pa grabe
August 20, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Nauwi sa trahedya ang masayang pagdiriwang ng piyesta ng patron matapos na aksidenteng mahulog sa tulay ang isang pampasaherong jeepney na sinasakyan ng 20 deboto ng Nuestra Señora de Salvacion na ikinasawi ng dalawa-katao habang 18 pa ang nasugatan sa Tabaco City, Albay kahapon.
Idineklarang patay sa Cope General Hospital at Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang mga biktimang sina Maximo Balictar, 35, ng Buhi at Salvador Aldua ng San Buena na kapwa residente ng Camarines Sur.
Ang mga grabeng nasugatan na kasalukuyang nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilala namang sina Mark Sabaroso,12; Purita Castañeda, 61; Roy Niño Franco, 37; Israel Castañeda, 25; Alec Buena, 14; Jun-jun Corba, 25; Angelo Castañeda, 12; Salve Olivia, 16; at Edelloso Sandoval, 42.
Sa ulat ng pulisya, nawalan nang kontrol sa manibela ang drayber ng jeepney na si Salvador Sabaroso matapos na mawalan ng preno ang sasakyan kaya tuluy-tuloy na nahulog sa ilog na sakop ng Barangay Bantayan bandang alas-9 ng umaga.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay mula pa sa bayan ng Buhi at patungong Barangay Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay para dumalo sa selebrasyon ng kapiyestahan ng Nuestra Señora de Salvacion. (Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended