21 barangay sa Guimaras, apektado sa oil spill
August 20, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa 21 barangay sa tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Guimaras ang apektado ng oil spill, ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council kahapon.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Dolores, Tandao, San Roque, Lucmayan, Lapaz, Cabalagnan, Panobolon, Canhawan, Igdarapdap, San Antonio at Guiwanon na pawang nasa bayan ng Nueva Valencia.
Samantala, sa bayan ng San Lorenzo ay ang mga Barangays Nadolao Island, Igbawayan at Sebano.
Pitong barangay naman sa bayan ng Sibunag ang apektado na kinabibilangan ng Barangay Alegria, Sabang, Inampulugan, Siranay Island, Nalibas Island, Naoway Island at Nagarao Island.
Ayon sa opisyal, nagbabanta na ring maapektuhan ng oil spill ang coastal barangay sa mga bayan ng Pontevedra, San Enrique, Villadolid, Pulupandan at Bago City na pawang sa Negros Occidental dahil malapit sa mga isla ng Naoway at gayundin sa Sibunag.
Pinakagrabe namang naapektuhan ng oil spill ay ang bayan ng Nueva Valencia na may 1,080 mangingisda ang apektado.
Kaugnay nito patuloy naman ang isinasagawang clean-up operations sa mga bayan ng apektado ng oil spill. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest