^

Probinsiya

1 tiklo sa colorum na vocational school

-
DAET, Camarines Norte – Isa ang inaresto samantalang tatlo pa ang patuloy na tinutugis ngayon ng mga awtoridad na mga empleyado ng isang kolorum na Masteral Vocational School sa bayang ito na ipinagharap ng demanda ng mga nabiktimang estudyante, ayon sa ulat. Inaresto ng Daet Police ang suspek na si John Seeping, 37-anyos sa Brgy. Borabod sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raymund Jacob ng Municipal Trial Court ng Daraga Albay.

Ang nasabing suspek ay nahaharap sa 13 kasong estafa makaraang takasan nito ang mga estudyante na siningil nito ng malaking halaga para sa enrollment. Karamihan sa mga nag-enroll na mga estudyante ay pawang mula sa lalawigan ng Albay. Huli na ng malaman na kolorum ang nasabing vocational school. Kinilala naman ang mga pinaghahanap na suspek na sina Susan Seeping, Jessie Español at Jay Seeping. (Francis Elevado)

vuukle comment

CAMARINES NORTE

DAET POLICE

DARAGA ALBAY

FRANCIS ELEVADO

JAY SEEPING

JESSIE ESPA

JOHN SEEPING

JUDGE RAYMUND JACOB

MASTERAL VOCATIONAL SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with