Indian trader dinukot
August 18, 2006 | 12:00am
Echague, Isabela Dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga immigration officers ang isang negosyanteng Bombay sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ipil ng bayang ito, ayon sa ulat kahapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas -11:30 noong Lunes nang harangin ang biktima ng mga armadong suspek na kinabibilangan ng isang babae at pilit na isinakay sa isang Van.
Sa salaysay ni Mang Tonyo (hindi tunay na pangalan) sa mga awtoridad, kitang-kita niya nang sapilitang isakay ng mga suspek ang biktimang si Manjit Singh, 25, residente ng Brgy. Victory Norte, Santiago City, Isabela sa kulay berdeng van na may plakang UNY- 434.
Sa pinakahuling ulat kahapon, napag-alaman na tumawag umano ang mga suspek sa pamilya ng kinidnap na Bombay at humihingi ng P10-M ransom halaga kapalit ng kalayaan ni Singh.
Nagsasagawa na ng operasyon ang mga awtoridad upang iligtas ang biktima matapos na madiskubre ang modus operandi ng mga kidnapper na nagpapanggap na mga awtoridad. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended