^

Probinsiya

Lider ng KMP tinodas sa lamayan

- Nina Joy Cantos at christian Ryan Sta. Ana -
Sa loob lamang ng 24 oras matapos na paslangin ang isang lider militante sa Bulacan, isa pang opisyal ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang nasawi matapos na pagbabarilin kamakalawa ng gabi habang nakikipaglamay sa patay sa Guimba, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktima na si Julie Velasquez, 40-anyos, isa sa mga opisyal ng Provincial Chapter ng militanteng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Konsehal sa Brgy. Culong

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 3, dakong alas-9 ng gabi habang nakiramay si Velasquez sa burol ng live-in partner ng isang Myrna Domingo sa bayan ng Guimba nang biglang sumulpot ang mga salarin na pawang armado ng cal. 45 pistol at M 16 rifle.

Nabatid na pinadapa ng mga salarin ang mga taong nakikipaglamay sa lugar saka pinagbabaril si Velasquez na bagaman nagawa pang makagapang sa ilalim ng ataul ay tinuluyan ng mga suspek.

Agad nasawi sa insidente ang biktima sa tinamong 15 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pahayag ng mga lider militante, si Velasquez ay isang mahigpit na kritiko ng barangay defense system na ipinatutupad ni Army’s 7th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Jovito Palparan na mahigpit na nag-oobliga sa mga residente ng Central Luzon na magdala ng mga community tax certificate o cedula.

Magugunita na nitong Miyerkules ay pinagbabaril rin ng mga armadong kalalakihan hanggang sa mapatay si Orlando Rivera, lider ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas sa Bulakan. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kaso.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

CHIEF MAJOR GEN

GUIMBA

INFANTRY DIVISION

JOVITO PALPARAN

JULIE VELASQUEZ

KILUSANG MAGBUBUKID

PILIPINAS

VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with