29 pulis sinibak
August 16, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput siyam na pulis na pinaniniwalaang sangkot sa ibat ibang uri ng katiwalian sa Central Visayas ang iniulat na sinibak sa puwesto, ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon.
Base sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, isasailalim sa dalawang linggong PNP Values Formation and Leadership Training sa Setyembre ang mga sinibak na pulis at inilipat sa Police Regional Office 7.
Sa 22 pulis na sinibak sa puwesto ay mula sa Cebu City Police Office (CCPO) kabilang ang isang opisyal habang ang iba ay non-commissioned officers.
Dalawa naman ang mula sa Mandaue City PNP at ang iba ay mula sa Cebu Provincial Police Office.
Kasama sa mga sinibak ay limang pulis at ang isa naman ay isinangkot ng isang drug suspect na si Gloria Regis na umaresto sa kanya at nagtangkang mangotong ng malaking halaga kapalit ng kalayaan.
Nabatid na ang asawa ni Gloria na si Epifras Regis, alyas "Tatay Pepe", ay itinuturing na notoryus big time drug pusher sa Cebu.
Ang mag-asawang Regis ay nasakote kasama ang kanilang drayber sa kanilang pension house sa Lapu-Lapu City noong Hulyo 18.
Patuloy din ang pagsisiyasat sa 29 pulis habang inihahanda na ang kaukulang kaso. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended