Oil spill papuntang Boracay
August 16, 2006 | 12:00am
Idineklara ngayon ng Philippine Coast Guard na pinakamalala na sa kasaysayan ng Pilipinas ang oil spill ngayon sa karagatan ng Guimaras Island matapos na lumubog ang isang oil tanker na may 2 milyong litrong langis noong Biyernes.
Sinabi ni PCG commandant, Vice-Admiral Arthur Gosingan, na umaabot na sa 200,000 litro ng langis ang kumalat ngayon sa Semirara Strait na aabot sa 19 milyang oil spill.
Inaasahan na lalala pa ang sitwasyon dahil sa imposibleng maiahon ang M/T Solar 1 sa pagkakalubog nito na may 3,000 talampakan ang lalim sa 17 milya buhat sa Semirara Island. "Much of the 2 million liters of oil is still remaining in the tank, it is a ticking environmental time bomb, worse is yet to come," ayon kay Gosingan.
Aabot sa 14 barangay na ang apektado sa Semirara Island at umabot na rin sa bayan ng Polopandan, Negros Occidental ang oil spill kahapon ng umaga. Inaasahan rin na mararating ng oil spill ang mga lungsod ng Silay, Bacolod at Bago sa lalawigan ng Negros at kapag nagbago ang ihip ng hangin ay posibleng maapektuhan ang Boracay.
Malaking pagkasira rin ang idinudulot ngayon ng oil spill sa idineklarang "national marine reserve" sa Taklong Island na naglalaman ng 144 species ng isda at 29 uri ng corals sa 1,143 ektarya ng karagatan na nasasakop nito.
Patuloy naman ang isinasagawang paglilinis ng PCG sa milya-milyang apektadong lugar ngunit nanawagan na sa national government at mga apektadong local government units (LGU) na tumulong upang maiwasan ang isang nasyunal na trahedya sa karagatan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended