^

Probinsiya

1 pang militante pinaslang

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isa na namang lider ng militanteng grupo ang iniulat na pinaslang ng dalawang maskaradong kalalakihan habang papauwi ang biktima sa Canlubang, Laguna noong Huwebes ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Superintendent Prospero Noble Jr. Region 4 director, kinilala ang biktimang si Gilbert Hamile, 40, ng Barangay Buntog sa nabanggit na bayan at empleyado ng Storck, Philippines, Inc.

Ayon kay Doris Cuario, secretary general ng grupong KARAPATAN-Southern Tagalog, si Hamile ay board member ng Samahan Ng Mga Magsasaka Sa Bandog Calamba Laguna, isang local chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Napag-alamang papauwi na si Hamile mula sa pinapasukang pabrika sakay ng motorsiklo na kaangkas ang bayaw na si Edwin Panopio nang pagbabarilin sa highway ng Barangay Pitlan sa Cabuyao bandang alas-5:20 ng hapon.

Patay agad ang biktima samantalang nakaligtas naman si Panopio na malubhang nasugatan. Ayon naman sa mga kasamahan ni Hamile sa grupo, hayagan itong lumalaban at tumututol sa relokasyon ng mga naninirahan sa pinag-aawayang lupain ng maimpluwensyang pamilya sa Cabuyao at Canlubang area. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY BUNTOG

BARANGAY PITLAN

CABUYAO

CANLUBANG

CHIEF SUPERINTENDENT PROSPERO NOBLE JR. REGION

DORIS CUARIO

EDWIN PANOPIO

GILBERT HAMILE

HAMILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with