^

Probinsiya

KILLER TIGOK RIN...: 3 kabesa tinodas sa lamayan

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Bayolenteng kamatayan ang sumalubong sa tatlong barangay captain na nasa lamayan makaraang pagbabarilin ng anak na lalaki ng isang kabesa na nakaburol sa Barangay San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija, noong Miyerkules ng hapon.

Kabilang sa mga napaslang na kabesa ay sina Roberto Espino ng Barangay Bagong Sikat; Rafael Castillo ng Barangay Valle; at Doring Ramos ng Barangay Bugtong na Buli, pawang sakop ng Talavera.

Samantala, nakilala naman ang napatay na si Benny Martin, anak ng pinaglalamayang si Barangay Captain Agripino "Agring" Martin.

Ginagamot naman sa Premier General Hospital sa Cabanatuan City si Barangay Captain Echeker Villareal ng Barangay Tabacao, Talavera, matapos na mabaril din ni Benny.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Rogarth Campo, hepe ng Talavera PNP kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, dakong alas-3 ng hapon nang magwala at mamaril si Benny habang nagbi-vigil ang mga kasamahang barangay captain ng yumaong Agripino Martin.

Naging maagap naman si Barangay Captain Servando Santiago na mabaril at mapatay si Benny matapos nang siya naman ang aktong babarilin ay inunahan na niya ito.

Sa rekord ng pulisya, binaril at napatay si Agripino Martin ng dalawang hindi nakilalang lalaki noong Sabado ng hapon, habang nasa kanilang tindahan ng pataba sa Barangay San Ricardo, Nueva Ecija. May teorya ang pulisya na hindi nakayanan ni Benny ang masaklap na sinapit ng sariling ama. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AGRIPINO MARTIN

ALEX PAUL MONTEAGUDO

BARANGAY

BARANGAY BAGONG SIKAT

BARANGAY BUGTONG

BARANGAY CAPTAIN AGRIPINO

BARANGAY CAPTAIN ECHEKER VILLAREAL

BARANGAY CAPTAIN SERVANDO SANTIAGO

BARANGAY SAN RICARDO

NUEVA ECIJA

TALAVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with