2 todas sa pambobomba
August 11, 2006 | 12:00am
Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang pito pa ang nasugatan makaraang yanigin ng tatlong malalakas na pagsabog ang dalawang lungsod sa Central Mindanao. kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, bandang ala-una ng hapon nang unang maganap ang bomb explosion sa harapan ng A.J. Hi-Time Hotel sa Kidapawan City, Cotabato, subalit wala naman nasugatan.
Makalipas ang ilang minuto, isa pang bomba ang sumabog sa tabi ng isang multicab sa harapan ng Survive Marketing sa Quezon Blvd, Kidapawan City na ikinasugat nina Noel Guzman ng Phil. Army; Eric Samico at Romel Pilar.
Ayon kay P/Senior Supt. Federico Dulay, Cotabato provincial police director, malinaw na terroristic acts ang mga nasabing pagpapasabog dahil pinuntirya ang mataong lugar.
Samantala, pasado alas-2:10 ng hapon nang hagisan ng granada ng di pa nakikilalang lalaki ang gate ng Office of the Regional Governor sa Cotabato City na ikinasugat ng mga security force ng ARMM compound na sina PO2 Mario Langiles, Manny Mayo, Kambal Mayo, Teks Ada Manayo, Usman Cada at isa pa na hindi nakilala.
Ayon kay Dulay, kumpirmadong dalawa ang patay sa pambobomba, isang pulis at isang security guard, subalit hindi pa matukoy ang pagkikilanlan.
Idinagdag pa ni Dulay na posibleng may kinalaman ang MILF rebs at si Maguindanao Governor Andal Ampatuan sa insidente sa Cotabato City, habang retaliatory attack naman sa Kidapawan City bilang resbak sa napatay na dalawang miyembro ng grupong Pentagon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest