^

Probinsiya

P8.5-M ukay-ukay nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa P8.5-milyong assorted imported used clothings (ukay-ukay) at isang mamahaling sasakyan ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) at Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) habang ito ay nasa aktong ipinupuslit palabas ng Tipo-sentry/exit gate ng Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ni ESS-CPD Subic District Commander Capt. Ramon Policarpio kay Customs Deputy Commissioner Celso Templo, nakumpiska ang 500-bales ng ukay-ukay na nakapaloob sa apat na 40 footer container at isang van.

Nabatid sa ulat na ang kontrabando ay pag-aari ng California Waste Inc. isang rehistradong locator sa loob ng Industrial Park ng Subic Bay Development Metropolitan Corp. (SBDMC).

Ayon naman kay BoC Assessment Division Chief Deputy Collector Carlito Pascua, tinatayang aabot sa P5-milyon ang market value ng mga kumpiskadong ukay-ukay at ito ay isang prohibited items sa ilalim ng RA 4653.

Kasunod nito, isang mamahaling Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng P3-milyon at walang kaukulang dokumento ang napigilang maipuslit sa SBMA.

Ang nabanggit na sasakyan na nagmula Honolulu, Hawaii ay naunang ipinasok sa Port of Manila, subalit nahirapang mai-release sa kakulangan ng dokumento kung kayat sinubukang ipuslit sa SBMA, subalit nasabat naman ng Customs police personnel at Task Force sa pamumuno ni ret. Gen. Jose Calimlim. (Jeff Tombado)

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

ASSESSMENT DIVISION CHIEF DEPUTY COLLECTOR CARLITO PASCUA

CALIFORNIA WASTE INC

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER CELSO TEMPLO

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

INDUSTRIAL PARK

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

LINCOLN NAVIGATOR

PORT OF MANILA

RAMON POLICARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with