^

Probinsiya

Sulu selyado na

-
CAMP AGUINALDO – Selyado na ng tropa ng militar ang Sulu kaugnay ng opensiba laban sa grupo ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani at ng dalawang nagtatagong Jemaah Islamiyah terrorist na utak sa 2002 Bali bombing sa Indonesia.

Napag-alamang pinalilibutan na ng mga sundalo ang lahat ng exit points sa Sulu partikular na ang bayan ng Indanan at Patikul kung saan huling namonitor ang presensya nina Janjalani at ng dalawang Bali bombers na sina Dulmatin at Omar Patek na may patong sa ulong $10 milyon at $1 milyon.

Naglagay na rin ng kampo ang militar sa tatlong bundok ng Sulu sa ilalim ng Joint Task Force Comet na pinamumunuan ni Brig. Gen. Alexander Aleo.

Samantala, sinusuyod ng tropa ng militar ang kabundukan ng Indanan upang hanapin ang labi ng napaslang na si Abu Sayyaf leader Ismin Sahiron, anak ng isa sa mga top leader ng mga bandido na si Radullan Sahiron alyas Commander Putol. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

ALEXANDER ALEO

COMMANDER PUTOL

INDANAN

ISMIN SAHIRON

JEMAAH ISLAMIYAH

JOINT TASK FORCE COMET

JOY CANTOS

OMAR PATEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with