^

Probinsiya

4 rebelde sumuko, nagbalik-loob sa gobyerno

-
CAMP CRAME — Apat na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tropa ng militar sa bayan ng Banayoyo, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nagbalik-loob sa gobyerno na sina Jovelyn Ramirez, Ronnie Arquero, Nestor Habon at Anastacio Ramirez, pawang kasapi ng Kilusang Larangan Guerilla de Lara na aktibong kumikilos sa lalawigan.

Sila ay sumuko dakong alas-12 ng tanghali sa mga elemento ng Ilocos Sur Provincial Police Office at 53rd Military Intelligence Company na nakabase sa nasabing bayan.

Ang pagsuko ng apat na rebelde ay kasunod nang pagkumbinsi sa mga ito ni Pastor Bernardo Tudlong.

Sinabi ng mga sumuko na nagdesisyon silang magbalik-loob sa gobyerno matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.

Kasalukuyang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong rebelde.

Sa ngayon, pinaigting pa ng Arroyo administration ang paglipol sa makakaliwang-grupo gaya ng NPA sa Mindanao at ibang sulok ng bansa. (Joy Cantos)

ANASTACIO RAMIREZ

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE

JOVELYN RAMIREZ

JOY CANTOS

KILUSANG LARANGAN GUERILLA

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

NESTOR HABON

NEW PEOPLE

PASTOR BERNARDO TUDLONG

RONNIE ARQUERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with