CAMP CRAME Tatlong rebeldeng New Peoles Army ang sinalubong ni kamatayan makaraang makipagbarilan sa tropa ng military sa magkahiwalay na sagupaang naganap sa Davao del Sur, kamakalawa. Sa ulat ni Col. Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division, nakasagupa ng mga elemento ng 66th Infantry Battalion ang mga rebelde sa Sitio Gupkalahan, Barangay Dunganpikong, Matan-ao at Sitio Latil, Barangay Abnate sa bayan ng Kiblawan hanggang sa mapatay ang tatlong rebelde.
(Joy Cantos) Trader, sundalo nilikida ng NPA |
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawa-katao kabilang na ang isang negosyante ang dinukot at pinaslang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraang mapaghinalaang nagsabwatan na naniniktik sa ikinikilos ng komunistang grupo sa Purok 3, Barangay Malobago sa bayan ng Daraga, Albay, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Isas Sta. Rosa, 40 at Corporal Lordger Pastrana ng 9th Infantry Division ng Phil. Army. Si Pastrana ay dinukot mula sa bahay ng kanyang nililigawang dalaga, habang si Rosa naman ay kinidnap sa kanyang bahay. Makaraan ang ilang oras ay natagpuan ang mga bangkay ng biktimang tadtad ng tama ng bala ng baril malapit sa ilog.
(Ed Casulla) Ama napatay ng bunsong anak |
SARIAYA, Quezon Sinaksak at napatay ang isang 59-anyos na ama ng sariling anak na bunsong lalaki makaraang umawat ang biktima sa nag-aaway na mag-utol sa Barangay Poblacion 2, Sariaya, Quezon kamakalawa. Napuruhan sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktimang si Carmelito Lacorte, habang ang apo na dalawang taong gulang na si Ambernie Santing ay nasugatan. Ayon kay PO1 Victor Banaag, tinangkang awatin ng biktima ang kanyang dalawang anak na nag-aaway, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napagbalingang saksakin ng suspek na si Raymond ang kanyang ama. Tugis ng pulisya ang tumakas na suspek na posibleng lango sa bawal na gamot
. (Tony Sandoval) 31 makina ng video games nasabat |
CAVITE Aabot sa tatlumput isang makina ng fruit games ang nasabat ng pulisya makaraang madakip ang tatlong kalalakihan sa Andrea Village, Barangay Panapaan 5, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Kabilang ang suspek na dinakip at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ay sina Renato "Rene" Genuino, may-ari ng mga nasabing makina; Virgilio Babael, 42, ng Malabon, Metro Manila at si Roberto "Berto" Tizon, 51, ng Ilo, Sta. Margarita, Calbayog City, Western Samar. Ayon kay PO2 Dominador Termil, ang tatlo ay naaktuhang ikinakarga ang mga makina ng sugal sa delivery truck (HVG-790) matapos na ipagbigay-alam sa pulisya ni Brgy Konsehal Ricardo Movera.
(Cristina Timbang)