Mayor sinuspinde ng Ombudsman
August 5, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Anim na buwang suspensyon ang inihatol ng Ombudsman sa alkalde ng bayan ng San Miguel makaraang mapatunayang nangulekta ng illegal na pass way fee mula sa mga trak na humahakot ng marmol.
Sa 10-pahinang desisyon ni Ombudsman Merceditas Guttierez, napatunayang lumabag sa batas si Mayor Edmundo Jose Buencamino ng San Miguel, Bulacan.
Si Buencamino ay inereklamo sa Ombudsman ni Engr. Constantino Pascual, pangulo ng Rosemoor Mining and Development Corporation ng kasong grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the interest of the service noong 2004, subalit noon lamang Abril 24, 2006 nadesisyunan ang kaso at noong Hulyo 31, 2006 lamang natanggap ang kopya nito.
Base sa reklamong isinampa ni Pascual laban kay Mayor Buencamino, tinatayang aabot sa P12-milyon ang nakolekta ng nabanggit na opisyal mula sa kanyang mga trak na dumaraan sa bayan ng San Miguel bilang pass way fee.
Ayon kay Pascual, hindi sa kaban ng bayan napunta ang mga nakolekta sa kanya, subalit pinabulaanan naman ito ng alkalde.
"This only shows that the official receipts allegedly issued by the Municipal Treasurer were just manufactured, because it was not signed by Marciano T. Cruz," pahayag ng Ombudsman. Iginiit naman ni Buencamino na naaayon sa batas pambayan ang kanyang naging pagkilos. Tinangkang hingan ng PSN ang panig ni Mayor Buencamino sa kanyang suspension, subalit hindi ito nakontak sa celfone. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended