^

Probinsiya

Guro ni-rape slay

-
CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na guro matapos na gahasain ay pinagpapalo pa sa ulo ang biktima hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki bago itinapon ang bangkay sa creek na sakop ng Purok Sampaguita, Barangay Abuanan, Bago City, Negros Oriental, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Allen Hope Gayatina Barcoma ng Barangay Pilar, Hinigaran, ng naturang lalawigan at guro sa Fellowship Baptist Church sa bayan ng Binalbagan.

Napag-alamang natagpuan ni Lito Cantago, ang bangkay ng biktimang nakatali ng nylon cord sa leeg at ang pantalon at panty nito ay nakababa hanggang tuhod na nakahandusay sa irrigation canal.

Sa inisyal na pagsisiyasat, alas-8 ng gabi noong Martes, isang hindi nakilalang lalaki ang sumundo sa biktima sa tinutuluyang boarding house sa Binalbagan at hindi na ito muli pang nakitang buhay.

Ayon kay P/Supt. Alex Belonio, hepe ng Bago PNP, may nakita ring mga sugat sa pribadong bahagi ng katawan ng biktima at mga sugat sa ulo na posibleng pinalo ng matigas na bagay. (Joy Cantos)

ALEX BELONIO

ALLEN HOPE GAYATINA BARCOMA

BAGO CITY

BARANGAY ABUANAN

BARANGAY PILAR

BINALBAGAN

FELLOWSHIP BAPTIST CHURCH

JOY CANTOS

LITO CANTAGO

NEGROS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with