Kinilala ang biktima na si SPO2 Wenefredo Nallos na ninakawan pa ng ibat ibang personal na gamit kabilang na ang service firearm nito.
Base sa ulat, nakasakay ng motorsiklo ang biktima mula sa paghahatid ng anak sa eskuwelahan nang pagbabarilin ng mga rebelde habang binabagtas ang Sitio Gaway-Gaway sa Barangay Calong-Ong.
Napag-alaman na ang biktima ay nakagawiang ihatid ang kanyang anak bago pumasok sa trabaho. (Ed Casulla)