^

Probinsiya

Trike vs dyipni: 3 patay

-
NASUGBU, Batangas – Maagang kinarit ni kamatayan ang dalawang mag-aaral sa elementarya at isang drayber, habang lima pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang traysikel at pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Lumbangan, Nasugbu, Batangas kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Alexis Dela Cruz, 10; Ronnil Castillo,10; at ang traysikel drayber na si Marcial Dellupac, 48, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Samantalang ginagamot sa Central Azucarrera de Don Pedro Hospital sina Nenian Dadola, 9; Aira Sharaine Rol, 6; Rey Jade Ro, 9; at Julius Albarino III, 8.

Sa panayam ng PSN kay Edelyn Roma, duty nurse ng CADPH, kinumpirma nito na namatay habang sakay ng ambulansya patungong Batangas Regional Hospital si Julius Albarino Jr., 10, base sa inisyal na ulat na ipinalabas ng pulisya.

Subalit sa ginawang kumpirmasyon ng PSN sa mga doctor ng BRH, nakarating pa nang buhay si Albarino Jr. pero nasa kritikal na kondisyon.

Ayon kay P/Superintendent Jose Pumida, hepe ng pulisya sa bayan ng Nasugbu, papasok na sana ang mga estudyante sa Lumbangan Elementary School lulan ng traysikel nang biglang araruhin ng pampasaherong jeepney (DWJ-514) na minamaneho ni Ronald Erilla sa kahabaan ng national highway bandang alas-6:15 ng umaga.

Kaagad namang sumuko sa pulisya si Erilla na nahaharap ngayon sa mga kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple serious physical injuries and damage to property

Ayon sa salaysay ni Erilla, biglang sumabog ang gulong sa harap ng dyip nito kaya nawalan ito ng control hanggang sumalpok sa kasalubong na traysikel na nasa kabilang linya. (Arnell Ozaeta)

AIRA SHARAINE ROL

ALBARINO JR.

ALEXIS DELA CRUZ

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY LUMBANGAN

BATANGAS

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CENTRAL AZUCARRERA

DON PEDRO HOSPITAL

EDELYN ROMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with