AFP vs Sayyaf: 6 bulagta sa Sulu
August 3, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Limang kalalakihang miyembro ng Abu Sayyaf Group at isang civilian guide ang iniulat na nasawi habang pito pa ang nasugatan sa ikalawang araw na strike operations ng tropa ng militar sa pinagkukutaan ng mga bandido sa bayan ng Indanan, Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay Col. Antonio Supnet, AFP-Southcom Chief of Staff, isinagawa ang strike operation matapos maispatan ng militar ang pinagkukutaan ng dalawang dayuhang sangkot sa Bali, Indonesia bombing na sina Dulmatin at Umar Patek sa Sitio Marang kasama si Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani malapit sa kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa bayan ng Indanan.
Ang puwersa ng Phil. Marines at Phil. Army ay sinuportahan ng MG 520 attack helicopter na nagsasagawa ng air strike at ground operations sa kagubatan ng nasabing munisipalidad.
Limang sundalo at dalawang Abu Sayyaf ang nasugatan sa madugong engkuwentro habang pinaliligiran na ng militar mula sa Joint Task Force Comet ni Brig. Gen. Alexander Aleo, ang palibot ng exit points sa bayan ng Indanan upang harangin ang posibleng pagtakas ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Sina Dulmatin at Patek na kapwa may patong sa ulo na $1 milyon ay nagsipagtago sa bansa at kinakanlong ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Mindanao matapos ang madugong pambobomba sa Bali, Indonesia noong Oktubre 12, 2002 na ikinasawi ng 200-katao.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang tropa ng militar kay Commander Khaid Adjibun, kumander ng Moro National Liberation Front (MNLF) upang suportahan ang operasyon laban sa mga teroristang grupo sa Sulu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended