^

Probinsiya

Hepe ng CVO dinedo sa harap ng pamilya

-
ZAMBOANGA CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang hepe ng Civilian Volunteer Organization sa harap mismo ng kanyang pamilya sa liblib na bayang sakop ng Compostela Valley Province, ayon sa ulat ng military.

Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang biktimang si Joselito Salazar na isa ring village councilman sa Barangay Linda na sakop ng bayan ng Nabuntaran.

Sa ulat ng Armed Forces Southern Command, si Salazar ay nagpapahinga sa sariling bahay kasama ang kanyang pamilya nang pasukin ng mga armadong kalalakihan.

Mismong ang pamilya ng biktima ang nakasaksi sa naganap na krimen.

Nagkalat naman ang mga basyo ng malalakas na kalibre ng baril na narekober ng mga rumespondeng militar at pulisya.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na may kaugnayan sa partisipasyon ng biktima sa seguridad ng nabanggit na village laban sa rebeldeng NPA. (Roel Pareño)

ARMED FORCES SOUTHERN COMMAND

BARANGAY LINDA

BINISTAY

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

COMPOSTELA VALLEY PROVINCE

JOSELITO SALAZAR

MISMONG

NABUNTARAN

NEW PEOPLE

ROEL PARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with