Ama ng rape-slay victim, ipinakulong ng judge
July 31, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang ama ang ipinakulong ng isang huwes matapos na sakalin sa harap nito ang isang 17-anyos na binatilyo na kanya ring kamag-anak dahil sa panggagahasa at pamamaslang sa 17-anyos na anak na dalagita habang isinasagawa ang arraignment sa korte sa Ligao City.
Tatlong araw na pagkakakulong sa Ligao City Jail ang iginawad ni Regional Trial Court Judge Ami Rosero ng Branch 11 dahil sa kasong contempt of court laban sa ama ng panghahalay at pagpatay na si Domingo Bongalos, matapos nitong sakalin ang akusado.
Nang ipatawag ang akusado na itinago sa pangalang Edmundo ay dumaan sa harapan ni Bongalos. Hindi na nakapagpigil sa kinikimkim na galit si Bongalos kaya bigla na lamang nitong kinabig si Edmundo at saka mahigpit na sinakal sa leeg. Agad namang sumaklolo ang mga nasa loob ng court room at halos umabot ng isang oras na nawalan nang malay ang binatilyong akusado dahil sa higpit ng pagkakasakal. Nakita ang bangkay ng dalagita habang nakalibing ang kalahating katawan matapos ang pagkawala nito sa mabuhanging bahagi ng ilog sa kanilang lugar.
Ang suspek umano ay pinagkatiwalaan ng mga magulang ng biktima na siyang maghatid-sundo mula Immaculate Concepcion College sa Daraga at pag-uwi nito sa kanilang tahanan dahil ang mga ito ay magkapitbahay. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended