Bunga nito ay nabulabog sa pag-awat sina P/Insp. Jesus Galivo at SPO4 Larry Gayadan at ang mga kasamahan ng dalawang nagsuntukang sina Manny Tulabot at Danilo Mendoza na agad namang ipinatawag ni P/Supt. Elwin Fernandez, hepe ang CIDG-Cavite.
Napag-alamang inaangkin ni Tulabot ang isang pirasong bakal na nakakabit sa isang carnap na motorcycle na narekober ni Mendoza.
"Para walang usapan o samaan ng loob ay ibinigay ko kay Tulabot ang bakal na nakakabit sa motorsiklo na narekober ko," pahayag ni Mendoza
Napag-alamang pagtalikod ni Mendoza ay patraydor at walang sabi-sabing sinuntok siya sa mukha ng tatlong beses ni Tulabot kaya napilitan siyang gumanti nang suntok kay Tulabot hanggang sa magsalpukan ang dalawa habang nakamasid naman ang mga kasamahang CIDG sa loob mismo ng nabanggit na kampo.
Nabatid na hindi nakuntento si Mendoza, kinuha nito ang camera na nakapatong sa mesa at ibinato sa mukha ni Tulabot.
"Nakakahiya naman ang ginawa ng dalawang tauhan ng CIDG, parang walang disiplina ang kapulisan at mismong sa loob ng kampo pa nagsuntukan," anang mga sibilyang nakasaksi sa insidente. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)