Mayor Aguas rumesbak

STO. DOMINGO, Albay – Pinabulaanan ni Sto. Domingo Mayor Herbie Aguas ang napaulat na pinaalis niya ang Mayon evacuees sa evacuation center upang umuwi sa kani-kanilang tahanan sa loob ng 6-kilometer dange zone ng Mayon Volcano.

Sa pahayag ni Mayor Aguas, na pawang paninira lamang ng kanyang mga katunggali sa politika ang naglabasang isyu kabilang na ang akusasyong sinabi nito na walang pondo ang calamity fund ng mga evacuees.

Naabutan ng PSN ang naturang alkalde sa evacuation site sa Barangay Bical kung saan kasama ang project manager ng Regional Freshwater Fisheries Center na si Dennis Del Socorro, na nagbibigay ng mga tilapia sa mga evacuees bilang tulong.

Ayon kay Mayor Aguas, na maraming stock na pagkain, subalit hindi pa nila ito ipinamimigay dahil wala pang abiso sa Alert Level No. 4 ang Phivolcs at wala pang mga evacuees.

Ang mga nasa evacuation center ay mga residente ng mga Barangay Lidong, San Isidro, Sta. Misericordia, Fidel Surtida at San Fernando na natakot sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

"May mga isyung naglabasan na talamak daw ang operayon ng jueteng sa bayan ng Sto. Domingo, pero sa totoo lang, hindi makapasok ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) kaya patuloy ang paninira nila sa akin," dagdag pa ni Mayor Aguas.

Sinabi pa Mayor Aguas, na ang pondo para sa calamity fund ay umaabot lamang sa P1.2 milyong, subalit pinagkakasya ng kanyang administrasyon upang tumagal para sa mga evacuees sakaling magdeklara na ng Alert Level No. 4. (Ed Casulla)

Show comments