Katorse anyos ni-rape slay ng adik
July 30, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 3rd year high school na dalagita na pinatay sa sakal matapos na halayin ng hindi pa kilalang rapist na bangag sa droga sa naganap na karahasan sa liblib na tubuhan sa Hacienda Mirasol, Barangay Granada, Bacolod City, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mary Rose Padilla, 14, estudyante ng Emiliano Lizares National High School at residente ng Hacienda Rosario Sur ng nabanggit na barangay.
Ang bangkay ng biktima na walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan ay nadiskubre ng mga magsasaka nitong Biyernes dakong alas-7 ng umaga.
Napag-alamang hindi umuwi ang biktima simula pa noong Huwebes ng hapon matapos na lumabas ng kanilang eskuwelahan.
May teorya ang pulisya na bangag sa droga ang pumaslang sa biktima dahil sa brutal na estilo na ang uniporme ay punit-punit at posibleng kilala ng dalagita ang killer kaya tinuluyan upang itago ang krimen.
Natuklasan din na mismong terante pa ng bra ng biktima ang ginamit sa pagsakal na kinakitaan din ng mga pasa at sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang pinukpok pa ng matigas na bagay.
Kaugnay nito, isang 26-anyos na lalaki na tinukoy lamang sa apelyidong Bacoleño ng Hacienda Rosario Sur, ang inimbitahan ng pulisya para isailalim sa masusing imbestigasyon kaugnay ng posibleng kinalaman nito sa krimen. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest