9 kidnaper bulagta sa shootout
July 30, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Muli na namang umikot ang orasan ni kamatayan makaraang mapatay ang siyam na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na kidnaper na nakipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga napaslang na kidnaper ay sina Benny Velasquez, lider ng grupo; Leo Pepito ng Kalayaan Village, Pasay City; Paul Cabaries ng Merville Road, Pasay City; Nolito Compas ng Barangay Baclaran, Parañaque City; Wilfredo Lega ng Parañaque City; Marlon Molina ng Sto. Niño, Pasay City; Freddie Lara ng Barangay Merville; at dalawa pa na kinilala lamang sa alyas "Lester" at "Danny/Pingkaw Hayop".
Base sa inisyal na ulat na tinanggap kahapon ni PNP Director General Oscar Calderon, mula kay Criminal Investigation and Detection Task Force Maverick, P/Senior Supt. Allen Bantolo, naganap ang bakbakan bandang alas-6:30 ng umaga sa bisinidad ng nabanggit na barangay.
Ang grupo ni Velasquez ay responsable sa pagdukot sa isang Tsinoy sa Bulacan at isinasangkot sa serye ng holdapan sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig bayan.
Napag-alamang naghahanda ang grupo kaugnay sa gagawing pagdukot sa isang negosyanteng Tsinoy sa bahagi ng Pampanga nang matunugan ang presensiya ng mga awtoridad kaya papalapit pa lamang ang mga tauhan ni Bantolo ay sunud-sunod na putok ng baril ang sumalubong hanggang sa maganap ang madugong engkuwentro.
Matapos na mapaslang ang siyam na kidnaper ay nabawi ng pulisya ang isang Kia Pride Taxi at 1 Toyota Corolla na gamit ng grupo sa modus operandi, isang granda, tatlong kalibre . 38 baril, isang super .36 pistol, isang 9 mm at isang caliber .45 pistola.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended