4 holdaper bulagta sa bakbakan
July 29, 2006 | 12:00am
LIPA CITY, Batangas Nagwakas ang landas ng apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper na bumibiktima ng mga negosyante makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa Barangay 5, Lipa City, Batangas kahapon ng madaling-araw.
Isa sa apat na napatay ay nakilalang si Alvin Magtibay, 17, ng Barangay Pinagkawitan, Lipa City, samantalang ang tatlo ay bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Sa ulat na isinumite kay P/Senior Superintendent David Quimio, hepe ng pulisya sa Lipa City, bandang alauna y medya ng madaling-araw nang mapansin ng mga tauhan ni Quimio na nagpapatrulya na bahagyang nakabukas ang Rey Video Studio at Rey Watch Repair Shop sa A. Mabini Street na sakop ng nabanggit na barangay.
Upang makasiguro na may-ari ang nasa loob ng naturang establisimyento ay lumapit ang mga tauhan ng pulisya upang usisain, subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril ng apat na holdaper.
Dahil sumablay ang apat ay nakipagbarilan naman ang patrol team sa pangunguna ni SPO4 Felipe Parra hanggang sa bumulagta ang dalawa, samantalang idineklara namang patay sa NL Villa Hospital ang dalawa pa matapos ang madugong bakbakan.
Sa pahayag ni Quimio sa PSN, posibleng miyembro ang apat na suspek sa grupong Tetano robbery hold-up gang na nambibiktima ng mga negosyante sa nabanggit na lungsod at karatig bayan.
"Itong grupo ang posibleng responsable sa sunud-sunod na celfone snatching, holdapan, tutok-kalawit at street killings na naganap kamakailan lang dito sa Lipa City," dagdag pa ni Quimio.
Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 at dalawang basyo, 2-bala ng caliber .38, isang improvised revolver na may bala ng M-16 Armalite rifle, ladies bags, tatlong relos, isang belt battery charger, isang video battery, tatlong camera flash at apat na camera zoom lenses. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest