Mayon evacuees, balik-danger zone
July 29, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Nagprotesta ang ilang residente malapit sa nag-aalborotong Mayon Volcano matapos diumano silang pagsabihang lisanin ang evacuation center at bumalik sa kani-kanilang tahanan sa lugar na idineklarang danger zone ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs).
Sa pahayag umano ni Sto. Domingo, Bicol Mayor Herbie Aguas na walang emergency fund para sa mga evacuees kaya marapat na bumalik na sa kanilang mga tahanan ang mga tao sa gitna ng panganib at napipintong pagsabog ng Mayon Volcano.
Napag-alamang inanunsyo ng Philvolcs na nasa Alert Level 3 na ang mga bayang sakop ng 6-kilometer radius na permanent danger zone kabilang na ang bayan ng Sto. Domingo matapos tumindi ang pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
Naiulat din na ilang residente ang nagkasakit ng respiratory-related illness dahil sa ashfall sanhi ng patuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
Tinatayang hindi matatapos ang Agosto ay posibleng sumabog na ang nabanggit na bulkan kaya naman ipinagtataka ng mga evacuees ang naging pahayag ni Mayor Aguas sa pag-uutos na bumalik na ang mga residente sa kanilang tahanan.
"Bakit sasabihin niyang walang pondo, e di ba may calamity fund, nasaan na yun?" ani Mang Nestor Santiago, isa sa mga lumikas kasama ang asawa at anim na anak sa evacuation center.
Samantala, bilang private sector initiativer para makatulong sa mga naapektuhan ng Mayon Volcano, kinansela ng Legacy Group of Companies na si Celso delos Angeles ang kaniyang birthday celebration na naka-iskedyul sana sa ika-6 ng Agosto para gamitin ang pondong nakalaan dito na itulong na lamang sa mga naapektuhang komunidad.
Kasalukuyang hindi makontak ng PSN si Mayor Aguas upang magbigay ng kanyang panig tungkol sa nabanggit na isyu. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended