CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinapos lang na magdiwang ng kaarawan ang isang 23-anyos na binata bago nagpakalawit kay kamatayan makaraang magbigti sa bakanteng bahay dahil kinalasan ng nobya kahapon ng umaga sa Sitio Coloocan, Barangay Balete, Bacon District, Sorsogon City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jason Gonzales na huling namataang buhay na dumalaw sa kanyang nobya sa Barangay Del Rosario at nakikipag-inuman ng alak kasama ang kanyang mga kaibigan. May teorya ang pulisya na dinamdam ng biktima ang paghihiwalay nila ng babae sa araw ng kanyang kaarawan.
(Ed Casulla) Barangay captain pinabulagta |
CAMP CRAME Hindi na sinikatan ng araw ang isang barangay captain na naging kasapi ng Civilian Armed Geographical Unit makaraang ratratin ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army sa Barangay Bravo, Borongan, Eastern Samar kamakalawa. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Ernesto Delmonte ng Barangay Pinanag-an. Posibleng may kaugnayan ang pamamaslang sa pagiging kabesa ng biktima sa kanilang barangay.
(Joy Cantos) CAMP CRAME Maging ang isang 37-anyos na barangay kagawad ay hindi pinalagpas ni kamatayan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa madilim na bahagi ng Barangay Binolan, Sibuno, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Rene Salota na nagtamo ng maraming tama ng bala ng Garand rifle. Napag-alamang naglalakad ang biktima patungong Barangay Culaguan nang harangin at paslangin
. (Joy Cantos) Militanteng magsasaka itinumba |
CAMP CRAME Pinaniniwalaang unti-unting inuubos ang mga miyembro ng militanteng grupo sa ibat ibang lalawigan kung saan isa na namang militante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Looc, Salas City, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi. Ang biktimang nakaupo at nagka-kape sa harap ng kanilang bahay nang karitin ni kamatayan ay nakilalang si Ernesto Ladica, 43, kalihim ng Misamis Oriental Farmers Association sa ilalim ng grupong kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Bayan Muna. Base sa talaan ng grupong Bayan Muna, si Ladica ay ika-714 aktibist ang pinaslang sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Arroyo simula noong 2001.
(Joy Cantos)