^

Probinsiya

Natural gas power plant nasa Quezon

-
LUCENA CITY – Aprubado na sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang operasyon ng 300-megawatt liquified petroleum gas na itatayo sa lalawigan ng Quezon.

Base sa ipinasang Resolution 1V10 - 2006 noong ika-1 ng Hunyo ng Southern Tagalog Regional Development Council, sinabi ng NEDA na ang proyekto ay inaprubahan bunsod ng programa ng lokal na pamahalaan na makalikha ng natural gas industry at magpalakas ng mga private sector investment sa energy sector.

Kasunod nito, hinihintay na ngayon ng EWI ang pagpayag ng Department of Energy sa Memorandum of Understanding na siyang mangangasiwa sa pagpapatupad at pagpapatakbo ng proyekto.

Sinabi ni ex-Quezon Governor Eduardo Rodriguez, na siyang manager ng Hongkong based Energy World International (EWI) at proponent ng P250 milyong proyekto na kasabay din ng pagtatayo ng proyekto ang LPG storage terminal at distribution facilities.

Gamit ang LPG carriers, ang EWI ay aangkat ng LPG fuel para sa planta mula sa sarili nitong gas field sa South Sulawesi, Indonesia na may kakayahang makagawa ng tatlong milyong tonelada ng LPG kada taon.

Ang itatayong power plant ay makapaghahatid ng kuryente sa halagang P2.65 ($.05) bawat kilowatt hour na mas mura kumpara sa kasalukuyang halaga ng kuryente sa bansa. (Tony Sandoval)

vuukle comment

APRUBADO

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY WORLD INTERNATIONAL

GAMIT

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON GOVERNOR EDUARDO RODRIGUEZ

SOUTH SULAWESI

SOUTHERN TAGALOG REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with