Shootout: 4 holdaper tumba
July 28, 2006 | 12:00am
SAN ILDEFONSO, Bulacan Sinalubong ni kamatayan ang apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng notoryus na holdap/robbery gang makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na awtoridad sa kahabaan ng national highway sa hangganan ng Barangay Maasim at Barangay Matimbubong sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon.
Kabilang sa mga bumulagtang armadong suspek na holdaper ay sina Romeo Fajardo ng Gapan City; Jeffrey Factor ng General Tinio; Joselito Sevilla ng San Leonardo na pawang matatagpuan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Samantalang ang ikaapat na suspek ay kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan, habang nasugatan naman ang isa sa pulis na si PO1 Teddy Juan ang 306th Provincial Mobile Group na nakasagupa ng apat.
Sa inisyal na ulat ni P/Chief Insp. Prudencio Legazpi, director ng 306th PMG na isinumite kay P/Senior Supt. Benedict Michael Fokno, Bulacan provincial director, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na planong holdapin ng nabanggit na grupo ang Holy Cooperative sa bayang nabanggit.
Agad namang bumuo ng isang pangkat si Legazpi na kinabibilangan ng mga pulis-San Ildefonso, 306th PMG, at Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) upang subaybayan ang ikinikilos ng mga suspek na sakay ng kulay dilaw na Nissan Frontier pickup truck na may palakang CRZ-782.
Subalit nakahalata ang mga suspek, kaya mabilis na umalis sa kabayanan ng San Ildefonso, subalit tinugaygayan pa rin sila ng mga awtoridad hanggang sa pagdating sa nabanggit na lugar ay unang nagpaputok ng baril ang apat kaya tinamaan ang service vehicle ng 306th PMG na ikinasugat naman sa kanang binti ni PO1 Teddy Juan.
Gumanti ang mga pulis hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at duguang bumulagta ang apat na nakumpiskahan ng isang caliber .45 baril, dalawang caliber .38 rebolber at isang granada. Posibleng apat ay miyembro ng Fajardo at Ben Ulo Gang na may operasyon sa Bulacan at iba pang bayan sa Central Luzon. (Dino Balabo At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest