Ayon kay Municipal Secretary Mac Eay, in-charge sa relief operations, ang mga barangay na naapektuhan ng lahar ay ang Alusiis, Beddeng, Paete, San Pascual, Libertad, Patrocinio, San Rafael, Grullo at La Paz sa bayan ng San Narciso, Zambales kung saan may 3-hanggang 5 talampakang lalim ng lahar ang umapaw.
Nagsimulang dumaloy ang lahar makaraang umapaw ang dike sa may ilog ng Sto.Tomas na may pinakamalaking naipon na lahar mula sa Mt. Pinatubo.
Ang Barangay La Paz ang napaulat na pinakamatinding tinamaan ng pagragasa ng tubig-baha at lahar kung saan patuloy na isinasagawa ang sand bagging operation para mapigilan ang pagdaloy ng lahar na posibleng maapektuhan ang 1,000 ektaryang tanamin.
Personal naman pinangunahan nina Zambales Governor Vicente "Govic" Magsaysay, Jerry Uy ng PDCC, Zambales, P/Senior Supt. Arrazad Subong at ilang opisyal mula sa DPWH at DSWD ang isinagawang relief operations sa mga biktima. (Jeff Tombado)