^

Probinsiya

9 barangay sa Zambales apektado ng lahar

-
ZAMBALES – Aabot sa 2, 611 pamilya na kinabibilangan ng 10, 364-katao ang inilikas sa magkahiwalay na evacuation center matapos rumagasa ang tone-toneladang lahar sa 9 na barangay sa bayan ng San Narciso, Zambales dahil sa patuloy na buhos ng ulan dala ng bagyong "Glenda".

Ayon kay Municipal Secretary Mac Eay, in-charge sa relief operations, ang mga barangay na naapektuhan ng lahar ay ang Alusiis, Beddeng, Paete, San Pascual, Libertad, Patrocinio, San Rafael, Grullo at La Paz sa bayan ng San Narciso, Zambales kung saan may 3-hanggang 5 talampakang lalim ng lahar ang umapaw.

Nagsimulang dumaloy ang lahar makaraang umapaw ang dike sa may ilog ng Sto.Tomas na may pinakamalaking naipon na lahar mula sa Mt. Pinatubo.

Ang Barangay La Paz ang napaulat na pinakamatinding tinamaan ng pagragasa ng tubig-baha at lahar kung saan patuloy na isinasagawa ang sand bagging operation para mapigilan ang pagdaloy ng lahar na posibleng maapektuhan ang 1,000 ektaryang tanamin.

Personal naman pinangunahan nina Zambales Governor Vicente "Govic" Magsaysay, Jerry Uy ng PDCC, Zambales, P/Senior Supt. Arrazad Subong at ilang opisyal mula sa DPWH at DSWD ang isinagawang relief operations sa mga biktima. (Jeff Tombado)

ANG BARANGAY LA PAZ

ARRAZAD SUBONG

JEFF TOMBADO

JERRY UY

LA PAZ

LAHAR

MT. PINATUBO

MUNICIPAL SECRETARY MAC EAY

SAN NARCISO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with