Grasya sa Taong Grasa ipinagpapatuloy
July 26, 2006 | 12:00am
CAVITE Inilunsad ng Cavite Center for Mental Health (CCMH) sa tulong ng Provincial Health Office (PHO) ang programang "Grasya sa Taong Grasa Livelihood Project" noong nakalipas na dalawang Linggo sa Trece Martires City, Cavite.
Kasabay nito ang pagbibigay pugay sa mga task force ng Operation Pagkalinga sa Taong Grasa na may pinakamaraming nadalang taong grasa sa CCMH.
Binigyan ng Katibayan ng Pagkilala ang mga bayan ng Bacoor, Rosario at General Trias sa kanilang pagtatala ng 94%, 88% at 81% ng mga taong grasang nabigyan ng kaukulang lunas sa CCMH.
Kabilang sa mga layunin ng nabanggit na proyekto ay ang pagkalinga at pagbibigay ng pag-asa sa mga taong may kapansanan sa pag-iisip, rehabilitasyon at pagbibigay ng atensyong medical at pagbabalik ng tiwala sa sarili sa panahon ng muling pagharap sa mga suliranin sa buhay.
Prayoridad din ang programang pangkabuhayang tulad ng paggawa ng spicy dilis, balloon making, flower arrangement, chocolate making at pottery making.
Kabilang sa mga naging panauhin ay ang butihing maybahay ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na si Oliver Maliksi, Dr. Manny Santiaguel, pangulo ng Auxilliary to the Cavite Medical Society at Rene Broqueza, division head ng PCLEDO.
Base sa rekord, nagsimula ang programang Pagkalinga sa Taong Grasa noong Mayo 2003 at sa kasalukuyan ay aabot sa 206 ang kabuuang bilang ng na-admit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 5 hours ago
By Cristina Timbang | 5 hours ago
By Tony Sandoval | 5 hours ago
Recommended