^

Probinsiya

Jeep salpok sa pader, 3 patay

-
CAVITE – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng tatlong sibilyan na ikinasugat naman ng malubha ng dalawa pang iba makaraang sumalpok ang sinasakyang owner-type jeep ng mga biktima sa kongretong pader sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Nomeriano Parducho Y Lanceta, 20; Donnie Rey Alfonso Y Sulit, 20, na kapwa residente ng Barangay Maguyam; at Benidict Sulit.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa De La Salle University Hospital sa bayan ng Dasmariñas ang mga sugatang biktimang sina Raymund Pascual at Bernadette Dela Cruz.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Montano Ambit, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber owner-type jeep (VCU-551) na si Parducho dahil sa pag-iwas sa kasalubong na sasakyan kaya bumalandra sa steel railing ng nabanggit na highway bago sumalpok sa pader.

Pisak sa loob ng sasakyan ang tatlo, habang ang dalawa ay tumilapon.

May teorya ang pulisya na naka-idlip ang drayber sa pagmamaneho dahil alauna y medya na ng madaling-araw nang maganap ang sakuna. (Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BARANGAY LALAAN

BARANGAY MAGUYAM

BENIDICT SULIT

BERNADETTE DELA CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY HOSPITAL

DONNIE REY ALFONSO Y SULIT

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

LOLIT YAMSUAN

MONTANO AMBIT

NOMERIANO PARDUCHO Y LANCETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with