^

Probinsiya

Ambush: 2 ‘Paihi Gang’ tumba

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na "Paihi Gang" ang napatay samantalang sugatan naman ang mga pinsan nito makaraang tambangan ng naka-motorsiklong dalawang lalaki sa bahagi ng Calamba City kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Superintendent Prospero Noble, Region 4 police director, kinilala ang napatay na mag-utol na sina Armando, 44 at Arnel Maray, 40 na kapwa residente ng Barangay Gulod, Cabuyao, Laguna.

Samantalang sugatan naman si Noel Matira na ginagamot sa Calamba Medical Center habang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang kasamahang si Stanley Asoc.

Base sa ulat ng pulisya, lulan ng isang owner-type jeep (DLT-724) ang mga biktima habang tinatahak ang barangay road nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang maskaradong suspek bandang alas-11:30 ng umaga.

Dead-on-the-spot si Armando matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo, samantalang namatay naman ang nakababatang kapatid na si Arnel habang isinusugod sa Calamba Medical Center.

Sa isinagawang imbestigasyon, nagmula ang grupo ng mag-utol sa Barangay Saimsim sa Calamba City para kolektahin ang commission na P20,000 matapos magsagawa ng operasyong paihi sa isang LPG tanker.

May teorya naman ang kapulisan na may kaugnayan sa kanilang illegal na aktibidad kaya itinumba ang magkapatid na Maray. "baka nagka-onsehan na ang grupo kaya sila-sila na ang nagpapatayan," dagdag pa ng isang opisyal ng pulis.

Narekober sa crime scene ang 23-basyo at deformed slugs mula sa caliber 45 pistola. (Arnell Ozaeta)

ARMANDO

ARNEL MARAY

ARNELL OZAETA

BARANGAY GULOD

BARANGAY SAIMSIM

CALAMBA CITY

CALAMBA MEDICAL CENTER

CHIEF SUPERINTENDENT PROSPERO NOBLE

NOEL MATIRA

PAIHI GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with