Trader binaril habang nakikipag-inuman
IBA, ZAMBALES Isang 27-anyos na trader ng mga gulay ang binaril at napatay ng nag-iisang suspek sa Barangay Zone I, Iba, Zambales, habang ang biktima umanoy masayang nakikipag-inuman sa mga kaibigan at kasamahang negosyante kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay Si Ricky Miclat alyas "Nonoy", ng Libaba Zone I, Iba. Nakikipag-inuman umano ang biktima kina Gerry Francisco, 22; Jonathan Ledina, 25 at Julius Goco, bandang alas-9 ng gabi nang biglang lumitaw ang nag-iisang suspek at agad na pinaulanan ng bala ang biktima mula sa isang kalibre 45. Tinamaan ang biktima ng isang bala sa tagiliran na siya niyang agarang ikinamatay at mabilis na tumakas ang di-kilalang suspek sakay ng isang motorsiklong walang plaka matapos ang krimen. (Fred Lovino)
Isang doktor ang nahaharap sa kasong attempted murder matapos na sampahan ng isang 63-anyos. Kinasuhan sa Surigao del Sur Prosecutors Office ni Nenito "Basilan" Roy ng Cantilan town, si Dr. Isidro Olan, ng Madrid, nasabi ring lalawigan. Ayon kay Basilan, naganap ang insidente noong Hunyo 8, 2006 nang tutukan umano siya ng baril kasama ang anak na si Rene Boy at pamangking si Avelina Baculi ng suspek. Papunta umano ang mga biktima sa bahay ni Tata Roy, live-in partner ni Avelina sa Brgy. Sitio, Gabang para silipin ang sitwasyon ng bahay at lote na isinangla kay Dr. Olan subalit hindi pa sila nakakapasok sa loob ng bakuran ay agad umano silang tinutukan ng baril ng doktor.