12 parak nakipagbarilan sa NPA, pinarangalan ni Calderon
July 24, 2006 | 12:00am
MATNOG, Sorsogon Pinarangalan at tinawag na mga bayani ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. General Oscar Calderon ang 12 miyembro ng Matnog Municipal Police Station matapos ang kanilang matagumpay na pakikipagsagupa sa grupong New Peoples Army (NPA) ang kanilang himpilan ng pulisya na ikinasawi ng tatlo sa mga rebelde.
Dahil sa ipinamalas na katapangan at kabayanihan, pinarangalan at binigyan ng spot promotion ni Calderon ang mga pulis-Matnog na sina P/Sr. Insp. Jesus Callada, chief of police, at mga tauhan nitong sina SPO1 Emiliano Ramos, SPO3 Henry Colico, PO1 Dati Haloc, PO1 Edward Geolane, PO2 Rodel Grayba, PO1 Ernesto Raquel, PO1 Roel Villamin, SPO1 Emiliano Ramos V, PO2 Menardo Garcera, PO2 Noli Corbito at PO3 Arnel Gandugal.
May mga nasugatan ding pulis at namatay na miyembro ng Coast Guard sa bakbakan.
Ayon kay Calderon, ang 12 pulis ay pawang mga bayani matapos na ipagtangol ng mga ito ang kanilang himpilan na wasok na wasak nang salakayin ng may 200 NPA rebels na ikinamatay ng tatlong rebelde. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended