^

Probinsiya

Small Town Lottery front ng jueteng sa Quezon

-
LUCENA CITY, Quezon – Nagsisilbing front lamang ang Small Town Lottery (STL) ng jueteng sa Quezon upang mapagtakpan ang mas malawak na operasyon nito at ang gambling lord na nagtatago sa legal na operasyon.

Ayon sa samahan ng mga clergy sa nabanggit na lungsod na nagpatago ng kanilang mga pangalan, nakapagtataka na sa kabila ng sinasabi ng Piruette Corporation, ang kumpanya na may hawak ng prangkisa ng STL sa Quezon na hindi pa fully blast ang kanilang operasyon ay maraming mga bet collectors ang nakikitang pagala-gala at may hawak na dalawang klase ng lastillas.

Ang lastillas na hawak ng mga kubrador ay may tatak ng PCSO habang ang isa ay pad paper na may kadobleng carbon na ito ang sinasabing isinusumite sa bookies na nagbabayad naman ng porsiyento sa legal na operasyon ng STL.

Wala namang magawang aksyon ang lokal na pulisya na arestuhin ang mga kubrador na nagpapataya ng bookies dahil kapag sinisita sila ng kapulisan ay sinasabi nilang legal ang ginagawa alinsunod sa kanilang mga suot na ID na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kamakailan ay umalma ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon dahil hindi maliwanag sa kanila kung paano nabibigyan ng share ng STL ang lokal na pamahalaan. (Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

KAMAKAILAN

NAGSISILBING

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PIRUETTE CORPORATION

QUEZON

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SMALL TOWN LOTTERY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with