Barangay kagawad itinumba

CAVITE – Hindi nakaporma sa sugo ni kamatayan ang isang 44-anyos na babaeng barangay kagawad na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nakikipag-usap sa mga residente ng Barangay Victoria Reyes, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ng mga bala ng baril ang biktimang si Marivic Pureza ng Block 12 Lot 11 ng nabanggit na barangay. Agad na tumakas ang mga killer sakay ng traysikel na walang plaka. Ayon kay P/Supt. Mario Reyes, magbibigay ng reward na P.1-milyon si Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga sa sinumang mapagbibigay ng impormasyon laban sa mga suspek. (Cristina Timbang)<

Show comments