Trak bumaligtad: 15 patay
July 21, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Malagim na kamatayan ang sinapit ng labinlimang sibilyan kabilang na ang dalawang bata makaraang bumaligtad sa matarik na lansangan ang sinasakyang trak ng mga biktima sa mabundok na bahagi ng Sitio Maiti, Barangay Guisob sa bayan ng La Libertad, Negros Oriental kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkikilanlan ng mga nasawing biktima habang ang 32 nasugatan, na labing-isa ang nasa kritikal na kalagayan ay ginagamot sa Negros Oriental Provincial Hospital, Dumaguete Hospital at Guihulngan District Hospital.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Allan Ray Bulandres na isinumite kay P/Chief Supt. Silverio Alarcio, provincial director, karamihang biktima na magsasaka ay lulan ng trak na pag-aari ng nabanggit na bayan mula sa Barangay Bagtic patungong pampublikong palengke para maglako ng kanilang inaning gulay.
Napag-alamang ganap na alas-3:45 ng madaling-araw nang mawalan ng preno ang trak kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na bangin na nagresulta sa pagkasawi ng mga biktima.
Ang drayber na si Burdik Nenoy ay nakaligtas at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa munisipalidad ng La Libertad.
Nabatid na ang trak ay bahagi ng proyekto ni Mayor Jocelyn Lim-Kaichong na nagbibigay ng serbisyong libreng sakay sa mga magsasakang nagbebenta ng kanilang inaning pananim sa kabayanan tuwing Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended