Killer truck: 2 patay, 9 sugatan
July 19, 2006 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Dalawa-katao na sakay ng motorsiklo ang iniulat na nasawi habang siyam naman ang sugatan makaraang araruhin ng trak na nawalan ng preno ang labindalawang sasakyan sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ang mga nasawi habang isinusugod sa Manila East Hospital na sina Edwin Nava, 35; at Alvin Ebrole 28, pawang residente ng Antipolo City. Sugatan naman si Joseph Fernandez, mga anak na sina Jonas, 9; Jolly Joy, 7; at Jovi 12; Leo Fernandez, kamag-anak ng mga Fernandez; Christian Orleta, Melinda Garcia, John Raymond Chua, at Nelson Rosalinda na pawang sakay naman sa traysikel na nabangga ng trak. Samantala naaresto naman ng pulisya ang drayber ng trak na si Ruben Ignacio, 56. Kabilang sa mga sasakyang inararo ng trak (PTN-277) ay ang delivery van (UUS-544), dalawang traysikel, dalawang motorsiklo, Toyota Vios (ZBK 327), Honda Civic (WKU 182), Toyota Revo (XSS 589) at Mitsubishi Lancer (TLM 500), isang pampasaherong dyipni at owner-type jeep. (Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am