Paslit patay, 39 na-ospital sa dengue

RIZAL – Isang bata ang kumpirmadong nasawi habang 39-katao pa ang nasa pagamutan na karamihan ay mga bata matapos na tamaan ng sakit na dengue sa kasagsagan ng bagyong si Florita sa tatlong bayan ng lalawigan.

Ayon kay Dr. Ricardo D. Lustre, director ng Amang Rodriguez Medical Center, 2-3-anyos ang nadala sa kanilang pagamutan dahil sa kagat ng lamok na may dalang sakit na dengue.

Ang mga pasyente ay nagmula sa mga liblib na lugar sa Antipolo City, Montalban at San Mateo, Rizal. Tatlo pa ang nagmula sa Marikina City.

Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi mula sa lungsod ng Antipolo na pansamantalang ‘di binanggit ang pangalan.

Sinabi ni Lustre na ang pinakamatanda sa mga naisugod ay nasa edad 24-anyos habang ang pinakabata ay 2-anyos. (Edwin Balasa)

Show comments