^

Probinsiya

Killer ferris wheel: 2 natusta

-
QUEZON – Animo’y nilitsong baboy ang katawan ng dalawang sibilyan habang siyam naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumabit sa high tension wire ang umiikot na ferris wheel sa idaraos na piyesta sa Sitio Pitong Gatang, Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon, kamakalawa ng umaga.

Dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay natusta ang mga biktimang sina Annaliza Marasigan, 39 at ang ferris wheel operator na si Reynante Sabili.

Ginagamot naman sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Laguna Provincial Hospital at Philippine General Hospital sa Maynila, ang siyam na sina Mark Marasigan, 11; John Mark Manalo, 31; John Paul Lozano, 13; Mylene Pandala, 34, pawang mga residente ng Barangay Lusacan; JV Lusing, 20, ng San Pablo City; Richard Tigcal ng Naic, Cavite; Diego Arandia, 31, ng Rizal, Laguna; Rigon Gaycon, 18; at Patrick Zaragoza, 18, kapwa residente ng Paete, Laguna at pawang mga peryante.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ramil Rodriguez, pinaandar ni Sabili ang ferris wheel nang sumabit ang isang bahagi nito sa nakalaylay na high tension live wire.

Naputol ang kable ng kuryente at bumagsak sa lupa na may tubig kung saan nagmistulang mga nakuryenteng isda ang mga biktima na agad ikinasawi nina Sabili at Marasigan na tiyempong naglalaba sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pangalan ng operator ng peryahan upang papanagutin sa naturang insidente. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ANNALIZA MARASIGAN

BARANGAY LUSACAN

DIEGO ARANDIA

JOHN MARK MANALO

JOHN PAUL LOZANO

LAGUNA PROVINCIAL HOSPITAL

LUCENA CITY

MARK MARASIGAN

MYLENE PANDALA

PATRICK ZARAGOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with