4 holdaper bulagta sa barilan
July 15, 2006 | 12:00am
BATAAN Winakasan ni kamatayan ang kabanata ng apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper sa Central Luzon makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan kahapon ng madaling-araw.
Pawang patay na nang isugod sa Jose Payumo Hospital sa Dinalupihan, Bataan ang lider ng gang na si Raffy Dumlao, mga kasamahang sina Jessie Valiente, Jeffrey Sanchez at Jeff Padera na miyembro ng Dumlao Gang.
Sa ulat na isinumite ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, provincial director kay P/Chief Supt. Ismael Rafanan, regional director, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang makasagupa ng mga tauhan ng pulis-Bataan ang grupo ng Dumlao robbery gang sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang tugis ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Luisito Magnaye, ang apat na holdaper matapos mabigo sa panghoholdap ng isang gasolinahan sa Zambales.
Sakay ng isang kulay pulang Toyota Vios na may plakang XTJ-407 ang apat patungo sanang Metro Manila nang harangin ng pulisya sa itinayong checkpoint sa kahabaan ng Gapan-San Fernando-Olongapo Road, subalit sa halip na huminto ay sunud-sunod na putok ang sumalubong sa pulisya.
Nagkaroon nang habulan na humantong sa dalawang oras na madugong bakbakan hanggang sa makalawit ni kamatayan ang apat na holdaper.
Narekober sa apat ang dalawang baril, dalawang granada, isang patalim at bonnet kasama na ang nabanggit na kotse.
Sa talaan ng pulisya, ang Dumlao Gang ay sangkot sa serye ng highway robbery sa Zambales, Olongapo City, Tarlac, at Pampanga. (Jonie Capalaran at may dagdag ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Joy Cantos | 10 hours ago
Recommended