Negosyante dedo sa holdap

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 52-anyos na negosyanteng iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang holdaper habang nasa loob ng pampasaherong jeepney (EAG-729) sa Barangay Binodegahan sa bayan ng Pioduran, Albay kamakalawa ng hapon. Sapol sa ulo ang biktimang si Nestor Orsabia ng Barangay Banawan na natangayan ng beltbag na naglalaman ng malaking halaga, samantalang si Rolly Castillar ay natangayan naman ng pitaka na naglalaman ng P1,000. Tumakas ang dalawang holdaper sakay ng motorsiklo. (Ed Casulla)

Show comments