Ina, 3 anak pisak sa punungkahoy
July 13, 2006 | 12:00am
OLONGAPO CITY Hindi na sinikatan ng araw ang apat na mag-iina makaraang bumagsak ang malaking punungkahoy sa kanilang bahay habang nasa kasagsagan ng malakas na hampas ng hangin at buhos ng ulan dulot ng bagyong "Florita" kamakalawa ng gabi sa Olongapo City.
Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Tessie Villegas, 43 at mga anak na sina Gilbert, 4; Jobert, 2; at Jeric, 2 na pawang naninirahan sa Purok 2 sa Barangay New Cabalan ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital ang mag-amang Sonny Sulano, 47; at Angelica Villegas, 6 matapos magtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan dulot ng punungkahoy na bumagsak sa kanilang bahay.
Sa ulat ni PO1 Johnstone Lloyd Cortez na isinumite kay P/Senior Supt. Angelito Pacia, Olongapo City police director, naitala ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi habang nagpapahinga ang pamilya Villegas sa loob ng kanilang bahay.
Napag-alamang napuruhan ng malaking punungkahoy ang apat na mag-iina kung saan kinailangan pang magtulung-tulong ang mga tauhan ng Civilian Rescue Team ng Barangay Cabalan at pulisya upang maialis sa pagkakaipit ang mga biktima.
Nailigtas naman sa karit ni kamatayan ang mag-amang Sonny at Angelica kahit may mga galos sa ibat ibang katawan. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended