Engkuwentro: 6 rebelde, 4 sundalo todas
July 12, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Patuloy ang all-out war laban sa komunistang grupo makaraang malagas ang anim na rebeldeng New Peoples Army at apat naman sundalo sa magkahiwalay na engkuwentro sa Isabela at Mountain Province, ayon sa ulat ng military kahapon.
Sa ulat ni 5th Infantry Division Commander Brig. Gen. Alexander Yapching kay AFP-Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, kabilang sa napatay sa sagupaan sa Sitio Bumorbor, Sindon Bayabo, Ilagan, Isabela ay ang kumander ng NPA na si Ka Owen, kalihim ng Cagayan Valley Regional Committee Front; Romeo Turqueza, alyas Ka Omeng at ang isa pa na inaalam ang pagkakakilanlan at ang nasawing sundalo ay tinukoy sa pangalang Staff Sgt. Gabriel Guanzon.
Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 Armalite rifle, isang M203 grenade launcher, dalawang M14 rifle at walong backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento.
Samantala, tatlong rebelde ang napatay ng tropa ng 54th Infantry Battalion sa madugong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Aquid sa bayan ng Sagada at Besao, Mountain Province noong Linggo na ikinasawi rin ng tatlong sundalo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended