Samantala, ang hindi nakilalang drayber ay agad namang tumakas lulan ng Mitsubishi L-300 van na may plakang TGT-434.
Ayon sa pulisya, ang sakuna ay nasaksihan ng isang provincial jailguard na si Julio Felizardo na siyang nagdala sa mga biktima sa Manila East Medical Center.
Napag-alamang namataan ni Felizardo ang van na sumalpok sa motorsiklo ng mga biktima at kaagad na pinaharurot ang sasakyan na animoy lango sa alak ang driver.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang may-ari ng nasabing van. (Edwin Balasa)