Ayon kay SBMA Administrator Armand C. Arreza, ang training facility na sakop ng bayan ng Subic, Zambales ay bahagi ng proyekto sa Subic Bay Freeport sa loob ng anim na buwan.
Bukod kay Arreza, kabilang sa sumaksi sa pagbubukas ng modern training center ay sina TESDA Region III Director Conrado Barres, Zambales Gov. Vicente "Govic" Magsaysay, Olongapo City Vice-Mayor Rolen Paulino at HHIC-Philippines President Jeong Sip Shim.
Sinabi naman ni Gov. Magsaysay na ang nasabing shipyard ay isa lamang na bahagi sa ten-point economic agenda ng gobyerno kung saan hindi lamang nagbibigay ng libu-libong trabaho kundi maging ang pagkakaroon ng mas malawak pa na karanasan sa larangan ng shipbuilding.
Layunin ng pamunuan ng SBMA at ng Hanjin na mabigyan pa ng mas malawak na kasanayan ang mga manggagawa sa paghawak ng modernong kagamitan sa paggawa at pag-assemble ng malalaking barko sa ilalim ng mga Korean instructors.
Matatagpuan ang naturang shipbuilding facility ng Hanjin sa bahagi ng baybaying dagat ng Redondo Peninsula sa Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, Subic, Zambales. (Jeff Tombado)