^

Probinsiya

Ina pinugutan ng anak

-
BULACAN – May posibilidad na umalagwa at sumanib ang masamang espiritu sa katawan ng isang 42-anyos na lalaki kaya nagawa nitong pugutan ang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan noong Linggo ng hapon.

Animo’y manok na kinarit hanggang sa mapugot ang ulo ng biktimang si Luisa Santiago, 78, biyuda ng nabanggit na barangay, samantalang naghihimas ng rehas na bakal at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Eliseo Santiago.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ramil Leoncio, bandang alas-4:30 ng hapon nang dumating sa kanilang bahay ang suspek at humihingi ng isang stick ng sigarilyo sa biktima.

Ayon sa pulisya, tumanggi ang biktima sa pakiusap kaya nagalit ang suspek at nagtungo sa likurang bahagi ng kanilang bahay at kumuha ng isang karit.

Namataan ng ilang kapitbahay ang suspek na galit na pumasok sa bahay at walang sabi-sabing ginilitan ng leeg ang kanyang ina hanggang mapugot ang ulo nito.

Dahil sa komosyon sa loob ng bahay ng mag-ina ay agad na ipinagbigay-alam ng mga kapitbahay sa pulisya ang insidente.

Ilang oras matapos maganap ang brutal na pagpatay sa biktima ay nasakote rin sa loob ng kanilang bahay ang suspek na nakatulalang hawak pa ang duguang karit. (Dino Balabo)

vuukle comment

AYON

BAHAY

BARANGAY LONGOS

BULACAN

DAHIL

DINO BALABO

ELISEO SANTIAGO

LUISA SANTIAGO

MALOLOS CITY

RAMIL LEONCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with